Followers

Saturday, April 4, 2009

...Mahirap Pala Maging WRITER...


June 20, 2006 1215hrs

Mahirap pala maging writer…Hindi mo alam kung paano uumpisahan…Sa dami nang sinisigaw ng iyong isip…Hindi mo alam kung ano ang uunahin…Kadalasan, maraming sumisingit na ideya na dapat isulat agad…mabilis mawala..parang meteor (na ayon kay dao ming si "pag nakakita ng meteor ang dalawang taong nagmamahalan, magkakatuluyan daw sila"...totoo ba 'to???)…Isang mali…BURA! Mali na naman…BURA uli! Katulad ng binabasa mo ngayon…

Nasa FOODPARK ako ng isang building sa Makati (kanto ng Ayala at Paseo de Roxas). Kung pasado ka ng Geography 101…malamang getz mo na kung saan ko nasumpungang mag-aksaya ng tinta ng ballpen kong malimit mawala sa opisina. Panay kasi ang dampot ng mga boys..hindi naman binabalik..Buti na lang parang kalapati ito na alaga ng pinsan ko..marunong bumalik sa amo. Ito rin ang ballpen na ginamit ko kagabi sa unang subok ko sa laro ni Dave Green (Conceptis Sudoku). Sa una nakakatakot..Hindi ko kasi alam kung saan ko ilalagay ang mga numerong 1-9..’Pag mali..BURA..trial and error ba..Pero ok lang at least, nasubukan kong laruin ang isang laro ng mga henyong nagbabasa ng inquirer…ang ending..sumakit ang ulo ng lola mo T_T

Sira kasi ang akala kong matinong payphone..tatawag sana me sa office…GLOBE pa naman (kahiya..sa kanila pa naman ako nakalinya..prepaid nga lang)…MAKING GREAT THINGS POSSIBLE daw…sablay naman T_T Umikot ako sa kabilang dulo ng foodpark kung meron pang iba…nauwi ako sa magandang view na napili ko…overlooking ang mga puno sa tapat…building sa likod at harap..as usual, mga sasakyang sumusunod sa batas-trapiko sa Republika ni Binay…magkamali ka lang ng liko..bigla man o hindi..may yellow boys na lalapit..hindi ko lang knowing kung tumatanggap sila ng kulay ube…DEAL or NO DEAL pa ‘ata ang scenery…SANA HINDI!

Mas nakapukaw sa ‘kin ng pansin ang rebulto ni Ninoy na binago…Noong bata ako, natatandaan ko na pababa sa hagdan ng eroplano ang drama ng lolo mo na may ibon pa sa balikat…hindi sharp shooter ang bumaril dun kasi siya ung tinamaan hindi ung ibon…(kaya beware sa mga ibong lalapit..iwas agad..baka ma-dedz ng walang kalaban-laban hehehehe) Aba! Ngayon..may 2 dyulalay sa likod na hindi ko alam kung sinasamahan sya pababa o tinutulak palabas…Pasaway kasi itong tatay ni Kris…sinabi nang huwag mag-balikbayan..delikado ang sitwasyon…feeling niya siya si Superman (magbabalik na pala sa June 28…sa ating favorite theaters) na tanging kryptonite lang makakapagpatumba sa kanya…Ayan…’di pa nakakailang hakbang dedz na L …Hindi nya tuloy nakikita ang mukha ng paborito nyang anak sa mga naglalakihang billboard sa EDSA at ang manugang nyang basketbolista na para na niyang apo..Oi! In fairness, BAGAY sila (kris & james)…Nagpapasalamat rin pala ako kay Mang Ninoy..kung hindi dahil sa ‘yo walang EDSA…EDSA 1..EDSA 2..EDSA 3 (natuloy ba ‘to???) hindi ko ‘yan nakakalimutan…ipinapakita ng mga pangyayari ito ang pagkakaisa nating mga Pinoy...wala rin kasing PASOK sa iskul!!! Hehehehe Weeee!!!

Sa kaliwa ko naman ang isang medyo kaedad kong guy na pagkatapos lumafang ng lunch, nagbasa ng libro…Hindi ko nga lang ma-sight kung ano ang title ng nobela…Medyo kulay kahoy na ang mga pahina nito pero ‘di naman talagang kalumaan…Namiss ko tuloy ung tinatapos kong libro…Malapit na ang ending (mga 5 or 6 chapters na lang) sa pagitan ng isang pari at isang journalist na dati nyang dyowa noong nag-aaral pa lang sila sa Germany na bida sa kuweto at ikatlong sikreto sa unang apparition ni Mama Mary sa Fatima, Portugal 48 plus plus years nang nakakaraan (Rating: PARISH GUIDANCE)

Ring…Ring…ang cellphone ko! Hindi pala sa akin…lowbatt nga pala…buti na lang walang istorbo habang nagpapalipas ng oras at inaaksaya papel galing sa office. Sa totoo lang…proud ako sa cell number na ginagamit ko ngayon…0916-*****68…Hindi ko akalain na minsan nang inagaw sa akin pero bumalik pa rin…iba talaga pag “UNA KANG NAGING AKIN”…addictus venedictus kasi ako sa text kaya kahit sa dyip…GO pa rin...hindi ko makalimutan ang experience kong maghabol ng snatcher sa kalsada na may kasama pang “HABULIN NYO! INAGAW ANG CELLPHONE KO!!!” waaaa…at dahil panahon ng kapaskuhan noon (2002), nahuli naman ang may sala…”yun nga lang grounded ako…nakikitext na lang ako sa tatay ko…ginamit kasi ebidinsya (bisaya accent) ang kawawa kong cellphone (Panasonic) na parang remote control ng TV namin o remote nang aircon ng tita ko. First time ko ring maka-attend ng hearing…hindi lang basta audience..biktima pa! Kapal nga mukha nung snatcher, patawarin ko na raw siya…sabi ko..”Si Lord God na ang bahala sa ‘yo” pero sa totoo lang…takot ako sa kanya nung time na ‘un..baka balikan kami paglabas nito…dapat pa nga syang magpasalamat sa akin…tumaba siya sa city jail sa 2 taon nyang pagkakakulong…huli kita ko sa kanya, tagatawag ng pasahero sa tabi ng binibilhan namin ng komiks noong elementary pa lang ako..kaya hindi na ko madalas sa amin…hindi na ko batang MayniLA…batang SB na hehehe…

Ngayon lang din ako uli nakapag-upgrade ng fone..after kasi nun..8210 na ang gamit ko…asul ang unang kulay ng casing…3 taon ko ring hinahagis sa kama, minsan dumda-dive na lang bigla sa carpet at nababaklas pag nakikipag-smack sa sahig…PERO hanggang ngayon buhay pa rin…bunso ko namang kapatid ang lumalaspag…buti pa ‘yun..kahit ilang bagsak hindi pa rin napipilayan si Mickey Mouse J hindi katulad ng iba..hindi pa simula ang laban…nakatalikod na…naalala ko tuloy ang dati kong ka-berks na matagal nang hindi nagpapakita…isa siguro siya sa mga unang Pinoy na umakyat sa Mt.Everest (mahilig kasing mamundok) kaya lang hindi recognize..walang “kapamilya” o “kapusong” sponsor. Meron pala! Nasa Netherlands nga lang…kung saan ka man Sir…magpakita ka naman sa nanay ng anak mo pero wag ka na mag-expect na kamukha mo inaanak ko…hindi ka si Adrian na bulag dati tapos wit nya knowing na may anak sya kay Jennifer….Panahon na para mag-move on…

Ilang minuto o oras na lang nasa opisina na naman ako…kaharap ang computer ko na noong iniwan ko kanina..ayaw magpakita ng tigre sa screen…ewan ko ba??sa tuwing gagamit isa kong officemate, nagha-hang na lang pagkatapos nyang gamitin…nagtatampo siguro ung computer…magmi-migrate na kasi sya…sa ibang kumpanya nga lang…well, ganyan talaga ang buhay..may umaalis…may dumadating…in fairness,nagpa-party sya kagabi (june 19) sa office namin…bartdi party malamang..iba pa siguro ung despedida next week hehehe CHIBOG na naman!!! Weeee!!!

Mukhang nahihilo na ‘tong ballpen ko sa kakaikot sa daliri ko…oras na para gawin ko ang special task ko…draft lang kasi ito..ita-type ko pa sa computer…sabay post sa internet (email man o blog sa friendster)…bahala na kung may sumakay sa kalokohan ko or ma-imbyerna sa mga pinagsususulat ko…haayyyy…HIRAP TALAGANG MAGING WRITER….

PS: tandaan ito’y pangpersonal na babasahin lamang..bawal ikalat..pwedeng itapon sa basurahan hehehe salamat c”,)

No comments:

Post a Comment