Followers

Saturday, April 4, 2009

HOW I WISH THAT YOU'LL BE MINE c",)


i just wanna share this piece of writing to all..marunong pala me magsulat ng ganitong uri ng "ka-ekekan" HEHEHE..seriously speaking,for the person na naging dahilan ng lahat ng ito..MARAMING SALAMAT..

Matagal kong pinag-isipan kung sasabihin ko ang nilalaman ng puso ko...tila yata hindi tama na lagi na lang akong nagpapasaring...sinubukan kong ipaalam sa 'yo para mabawasan man lang 'tong gumugulo sa puso't isipan ko...pero naisip ko nxt tym na lang....marami pa namang pagkakataon...infatuation lang ba?cguro?pero HINDI..HINDI..HINDI...isang malaking kalokohan na mahalin kita...in the first place..lam ko naman na may mahal kang iba...kaya hindi ko muna pinansin...

Hanggang sa hindi ko na kayang itago pa...nagkataon na naging "bakante" ka... nagkaroon na ako ng pag-asa...sa kabila ng kaba & takot kung ano ang magiging reaction mo..nasabi ko rin ang mga gusto kong sabihin ng buong tapang...ngumiti ka lang...sabay sabing..."ok i''ll accept it..." pero akala ko okay na...hindi pala... pasaway kasi ako..hindi ko namalayan na umaasa na 'ko na mahalin mo ko...

Cguro kung mababasa mo man lang ito...malamang deadmahin mo lang...sadyang hindi mo nga ako gusto...pero ok lang..

Maliit man ako sa iyong mundo...nagpapasalamat pa rin ako....pinagana mo ang utak ko...pinakaba mo pa ang puso ko..nangarap sa bawat umaga na sana paggising ko ikaw ang kayakap ko...ngumiti pag naalala ko ang mga ngiti sa 'yong mga mata kahit stressed sa trabaho... gawin ang mga d ko pa nagagawa para kalimutan ka...

Cguro ang sarap ng feeling pag nagmahal ka...at binabalik sa 'yo ang pagmamahal na ibinibigay mo...lahat ng mga kantang maririnig mo...ire-relate mo sa nararamdaman mo...

Wala eh..ganon talaga...hindi ko kasi barkada si kupido...mahina siguro ang "lagay" ko...or nakalimutan nyang hasain ang pana na tutusok sa puso mo...

Sa palagay ko matatagalan pa before i get over this feeling...kung kailangan kong lumayo...bakit hindi?...mahirap pero kailangang kayanin...

Ang tanging hiling ko lang sa Diyos ay maging maligaya ka sa bawat paglalakbay na iyong tatahakin...

No comments:

Post a Comment