Followers

Friday, April 10, 2009

Is LETTING GO a SOLUTION???


Sometime in July last year (2008)..i let my heart speak kung ano ang pinagdadaanan ko during those times..I made a choice..FRIENDSHIP (tama di ba?) pero sa kabilang banda ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso ko..I stand of what i know is happiness despite of everything..

BUT two months ago..i had a major decision that changed my (love) story..Totoo pala na pag malapit nang dumating ang oras ng tunay na pagle-let go..

I was the one who initiated the move (hmp..lagi naman ako nagi-initiate..)..kasi nakikita ko mas lalo syang nahihirapan with the situation..kahit sabihin nyang hindi..ramdam ko..

Prior to this..we had an exchange of text messages..i said sorry to him sa pangungulit ko..i know naging selfish ako dahil sa nararamdaman ko & akala ko naiintindihan ko sya sa pinagdadaanan nya pero hindi pala..so sagot nya "ok lang..i just don't want make things hard for u..i thank u for loving me..but there's life waiting for you.."

So sinagot ko uli.."yes i know there's life waiting for me..Love is free will & not a commitment..It's a choice given to people despite of the life they've chosen..& i believe u're one of those.."..

2 days after..eto na..hindi na ako mapakali..i knew hindi na tama..so i prayed..i prayed to God to guide me kung anong gagawin ko next..so i decided to send him a text message..there's a sudden outburst deep inside me na hindi ko maintindihan so i cried...ung luha ko..tuloy-tuloy..nagulat nga ako kasi ang dami pala nun...ung kinimkim kong sari-saring emotions nandun..bago ko nacompose ung message..it took me to 2 hrs para mabuo ko..pinakamahirap gawin ang mag-let go lalo't mahal mo ang isang tao..pero kelangan eh...oo nga happy ako kasi naibabahagi ko ung love na un (inspirasyon ko pa) pero sa kabilang banda...may mas lalong nahihirapan kasi hindi nya maibalik ung love na binibigay ko..& that made me realize eto na ung time to let him go...

Feb19..1517hrs
-Grace's heart wants to tell u that.."i thank for the concern u're giving me..she fought a lot of battles with me..this "battle" is my priceless one..y?because eventhough there were a lot of hard times..i still chose to love u kasi i believe u deserved it..But sori to say, u did not believe. Am so hurt...really hurt...i will end this by letting u Go kc Grace loves u so much..Sobrang sakit but she does not want things more harder for u..thanks for everything.."

Then he replied.."I believe in our friendship but i dont approve the way you love me..At the end, you will only suffer bcos i can't return dat love.Kaibigan kita ayokong masaktan ka dahil sa 'kin..Don't let me go because it's hard for me.It's not.let's face things squarely.Let go of ur feelings becos they don't help you..u are hurt becos i dont respond to ur feelings because i can't..Grace, let go your feelings for me because that's whats best for u.It's also best for our friendship.."

I answered back "I will let go of u for a while..Need a lot of time to heal & change this heart..pagbalik ko d na kita iiwanan."

He answered.."Cge lang if that what it takes..Love urself Grace & be sure of what u want in life"..

My final answer.."I know what i want in life BUT that's not what i need..Wag ka na malungkot..Will get through this.."

..Akala ko loving him will make him happy (kahit konti) & help him sa mga nararamdaman nyang lungkot or paghihirap..sandalan..BUT it's the other way around...that's why i got hurt...sabi ko nga...i don't get hurt..i can't be hurt..i've never been hurt this much..just now..(Miggy ikaw ba yan! hehe)

A saving angel with a very Big Heart shared me something.."Para sa taong malawak ang pananaw, kaya niyang sabihin sa nagkakamali, Okay lang yan, ang tinitignan ko yung mas malaking bagay ng iyong pag-mamahal sa Diyos at sa akin.”

Saka ito..winner!

ü You will know the size of your mind by the size of things that make you angry and the size of things you can give to people who matter to you.

ü Your mind and heart should be big enough so many things may become small.

With this experience..i realized how powerful my heart is...napakaliit pero ibang klase..hindi pwedeng turuan kasi may sariling mundo..matapang..masaktan man..Go pa rin..kahit sandamakmak na ung luhang lumalabas..pasaway pa rin..
PERO..kahit sobrang aggressive..marunong magbigay..lalayo sandali..para magrecharge & i-accept ang lahat nang hindi pwede..& kung anek-anek pa..

As of now..am still in the process of moving on (and on..)...meron pa ring kirot..minsan..pagkagising ko umiiyak na lang ako.. tapos tulala..nag-iisip..nakikiramdam..balik uli sa reality..parang walang nangyari..papasok sa office..after 8 -10 hours..uuwi..kakain..matutulog...


It will pass..just be strong c",) yes it will pass kasi meron akong mga kaibigang handang makinig (kahit paulit-ulit) & tumulong sa akin :) & si BRO! Alam ko hindi nya ako papabayaan..learning the hard way :)


Now tell me...Is LETTING GO a SOLUTION???

Saturday, April 4, 2009

HOW I WISH THAT YOU'LL BE MINE c",)


i just wanna share this piece of writing to all..marunong pala me magsulat ng ganitong uri ng "ka-ekekan" HEHEHE..seriously speaking,for the person na naging dahilan ng lahat ng ito..MARAMING SALAMAT..

Matagal kong pinag-isipan kung sasabihin ko ang nilalaman ng puso ko...tila yata hindi tama na lagi na lang akong nagpapasaring...sinubukan kong ipaalam sa 'yo para mabawasan man lang 'tong gumugulo sa puso't isipan ko...pero naisip ko nxt tym na lang....marami pa namang pagkakataon...infatuation lang ba?cguro?pero HINDI..HINDI..HINDI...isang malaking kalokohan na mahalin kita...in the first place..lam ko naman na may mahal kang iba...kaya hindi ko muna pinansin...

Hanggang sa hindi ko na kayang itago pa...nagkataon na naging "bakante" ka... nagkaroon na ako ng pag-asa...sa kabila ng kaba & takot kung ano ang magiging reaction mo..nasabi ko rin ang mga gusto kong sabihin ng buong tapang...ngumiti ka lang...sabay sabing..."ok i''ll accept it..." pero akala ko okay na...hindi pala... pasaway kasi ako..hindi ko namalayan na umaasa na 'ko na mahalin mo ko...

Cguro kung mababasa mo man lang ito...malamang deadmahin mo lang...sadyang hindi mo nga ako gusto...pero ok lang..

Maliit man ako sa iyong mundo...nagpapasalamat pa rin ako....pinagana mo ang utak ko...pinakaba mo pa ang puso ko..nangarap sa bawat umaga na sana paggising ko ikaw ang kayakap ko...ngumiti pag naalala ko ang mga ngiti sa 'yong mga mata kahit stressed sa trabaho... gawin ang mga d ko pa nagagawa para kalimutan ka...

Cguro ang sarap ng feeling pag nagmahal ka...at binabalik sa 'yo ang pagmamahal na ibinibigay mo...lahat ng mga kantang maririnig mo...ire-relate mo sa nararamdaman mo...

Wala eh..ganon talaga...hindi ko kasi barkada si kupido...mahina siguro ang "lagay" ko...or nakalimutan nyang hasain ang pana na tutusok sa puso mo...

Sa palagay ko matatagalan pa before i get over this feeling...kung kailangan kong lumayo...bakit hindi?...mahirap pero kailangang kayanin...

Ang tanging hiling ko lang sa Diyos ay maging maligaya ka sa bawat paglalakbay na iyong tatahakin...

...Mahirap Pala Maging WRITER...


June 20, 2006 1215hrs

Mahirap pala maging writer…Hindi mo alam kung paano uumpisahan…Sa dami nang sinisigaw ng iyong isip…Hindi mo alam kung ano ang uunahin…Kadalasan, maraming sumisingit na ideya na dapat isulat agad…mabilis mawala..parang meteor (na ayon kay dao ming si "pag nakakita ng meteor ang dalawang taong nagmamahalan, magkakatuluyan daw sila"...totoo ba 'to???)…Isang mali…BURA! Mali na naman…BURA uli! Katulad ng binabasa mo ngayon…

Nasa FOODPARK ako ng isang building sa Makati (kanto ng Ayala at Paseo de Roxas). Kung pasado ka ng Geography 101…malamang getz mo na kung saan ko nasumpungang mag-aksaya ng tinta ng ballpen kong malimit mawala sa opisina. Panay kasi ang dampot ng mga boys..hindi naman binabalik..Buti na lang parang kalapati ito na alaga ng pinsan ko..marunong bumalik sa amo. Ito rin ang ballpen na ginamit ko kagabi sa unang subok ko sa laro ni Dave Green (Conceptis Sudoku). Sa una nakakatakot..Hindi ko kasi alam kung saan ko ilalagay ang mga numerong 1-9..’Pag mali..BURA..trial and error ba..Pero ok lang at least, nasubukan kong laruin ang isang laro ng mga henyong nagbabasa ng inquirer…ang ending..sumakit ang ulo ng lola mo T_T

Sira kasi ang akala kong matinong payphone..tatawag sana me sa office…GLOBE pa naman (kahiya..sa kanila pa naman ako nakalinya..prepaid nga lang)…MAKING GREAT THINGS POSSIBLE daw…sablay naman T_T Umikot ako sa kabilang dulo ng foodpark kung meron pang iba…nauwi ako sa magandang view na napili ko…overlooking ang mga puno sa tapat…building sa likod at harap..as usual, mga sasakyang sumusunod sa batas-trapiko sa Republika ni Binay…magkamali ka lang ng liko..bigla man o hindi..may yellow boys na lalapit..hindi ko lang knowing kung tumatanggap sila ng kulay ube…DEAL or NO DEAL pa ‘ata ang scenery…SANA HINDI!

Mas nakapukaw sa ‘kin ng pansin ang rebulto ni Ninoy na binago…Noong bata ako, natatandaan ko na pababa sa hagdan ng eroplano ang drama ng lolo mo na may ibon pa sa balikat…hindi sharp shooter ang bumaril dun kasi siya ung tinamaan hindi ung ibon…(kaya beware sa mga ibong lalapit..iwas agad..baka ma-dedz ng walang kalaban-laban hehehehe) Aba! Ngayon..may 2 dyulalay sa likod na hindi ko alam kung sinasamahan sya pababa o tinutulak palabas…Pasaway kasi itong tatay ni Kris…sinabi nang huwag mag-balikbayan..delikado ang sitwasyon…feeling niya siya si Superman (magbabalik na pala sa June 28…sa ating favorite theaters) na tanging kryptonite lang makakapagpatumba sa kanya…Ayan…’di pa nakakailang hakbang dedz na L …Hindi nya tuloy nakikita ang mukha ng paborito nyang anak sa mga naglalakihang billboard sa EDSA at ang manugang nyang basketbolista na para na niyang apo..Oi! In fairness, BAGAY sila (kris & james)…Nagpapasalamat rin pala ako kay Mang Ninoy..kung hindi dahil sa ‘yo walang EDSA…EDSA 1..EDSA 2..EDSA 3 (natuloy ba ‘to???) hindi ko ‘yan nakakalimutan…ipinapakita ng mga pangyayari ito ang pagkakaisa nating mga Pinoy...wala rin kasing PASOK sa iskul!!! Hehehehe Weeee!!!

Sa kaliwa ko naman ang isang medyo kaedad kong guy na pagkatapos lumafang ng lunch, nagbasa ng libro…Hindi ko nga lang ma-sight kung ano ang title ng nobela…Medyo kulay kahoy na ang mga pahina nito pero ‘di naman talagang kalumaan…Namiss ko tuloy ung tinatapos kong libro…Malapit na ang ending (mga 5 or 6 chapters na lang) sa pagitan ng isang pari at isang journalist na dati nyang dyowa noong nag-aaral pa lang sila sa Germany na bida sa kuweto at ikatlong sikreto sa unang apparition ni Mama Mary sa Fatima, Portugal 48 plus plus years nang nakakaraan (Rating: PARISH GUIDANCE)

Ring…Ring…ang cellphone ko! Hindi pala sa akin…lowbatt nga pala…buti na lang walang istorbo habang nagpapalipas ng oras at inaaksaya papel galing sa office. Sa totoo lang…proud ako sa cell number na ginagamit ko ngayon…0916-*****68…Hindi ko akalain na minsan nang inagaw sa akin pero bumalik pa rin…iba talaga pag “UNA KANG NAGING AKIN”…addictus venedictus kasi ako sa text kaya kahit sa dyip…GO pa rin...hindi ko makalimutan ang experience kong maghabol ng snatcher sa kalsada na may kasama pang “HABULIN NYO! INAGAW ANG CELLPHONE KO!!!” waaaa…at dahil panahon ng kapaskuhan noon (2002), nahuli naman ang may sala…”yun nga lang grounded ako…nakikitext na lang ako sa tatay ko…ginamit kasi ebidinsya (bisaya accent) ang kawawa kong cellphone (Panasonic) na parang remote control ng TV namin o remote nang aircon ng tita ko. First time ko ring maka-attend ng hearing…hindi lang basta audience..biktima pa! Kapal nga mukha nung snatcher, patawarin ko na raw siya…sabi ko..”Si Lord God na ang bahala sa ‘yo” pero sa totoo lang…takot ako sa kanya nung time na ‘un..baka balikan kami paglabas nito…dapat pa nga syang magpasalamat sa akin…tumaba siya sa city jail sa 2 taon nyang pagkakakulong…huli kita ko sa kanya, tagatawag ng pasahero sa tabi ng binibilhan namin ng komiks noong elementary pa lang ako..kaya hindi na ko madalas sa amin…hindi na ko batang MayniLA…batang SB na hehehe…

Ngayon lang din ako uli nakapag-upgrade ng fone..after kasi nun..8210 na ang gamit ko…asul ang unang kulay ng casing…3 taon ko ring hinahagis sa kama, minsan dumda-dive na lang bigla sa carpet at nababaklas pag nakikipag-smack sa sahig…PERO hanggang ngayon buhay pa rin…bunso ko namang kapatid ang lumalaspag…buti pa ‘yun..kahit ilang bagsak hindi pa rin napipilayan si Mickey Mouse J hindi katulad ng iba..hindi pa simula ang laban…nakatalikod na…naalala ko tuloy ang dati kong ka-berks na matagal nang hindi nagpapakita…isa siguro siya sa mga unang Pinoy na umakyat sa Mt.Everest (mahilig kasing mamundok) kaya lang hindi recognize..walang “kapamilya” o “kapusong” sponsor. Meron pala! Nasa Netherlands nga lang…kung saan ka man Sir…magpakita ka naman sa nanay ng anak mo pero wag ka na mag-expect na kamukha mo inaanak ko…hindi ka si Adrian na bulag dati tapos wit nya knowing na may anak sya kay Jennifer….Panahon na para mag-move on…

Ilang minuto o oras na lang nasa opisina na naman ako…kaharap ang computer ko na noong iniwan ko kanina..ayaw magpakita ng tigre sa screen…ewan ko ba??sa tuwing gagamit isa kong officemate, nagha-hang na lang pagkatapos nyang gamitin…nagtatampo siguro ung computer…magmi-migrate na kasi sya…sa ibang kumpanya nga lang…well, ganyan talaga ang buhay..may umaalis…may dumadating…in fairness,nagpa-party sya kagabi (june 19) sa office namin…bartdi party malamang..iba pa siguro ung despedida next week hehehe CHIBOG na naman!!! Weeee!!!

Mukhang nahihilo na ‘tong ballpen ko sa kakaikot sa daliri ko…oras na para gawin ko ang special task ko…draft lang kasi ito..ita-type ko pa sa computer…sabay post sa internet (email man o blog sa friendster)…bahala na kung may sumakay sa kalokohan ko or ma-imbyerna sa mga pinagsususulat ko…haayyyy…HIRAP TALAGANG MAGING WRITER….

PS: tandaan ito’y pangpersonal na babasahin lamang..bawal ikalat..pwedeng itapon sa basurahan hehehe salamat c”,)

...you know what is RIGHT..Let Go...Walk Away..


It's been a while...A lot of things happened...May nakakalungkot, may nakakatuwa..But it's still balance.. hindi naman pwede na palagi na lang malungkot or puro na lang saya..

Pero ngaun hindi ko alam nararamdaman ko..my heart is my devil's advocate "Go on, love him as you used to be..pero ung tama lang.." BUT my brain tells me to.."LET Go..Walk away..Be kind to yourself..All your life, palagi ka na lang unang nagbibigay.. Unahin mo naman ngayon ang sarili mo.."

Yes..i do love THE PERSON..sadyang mahirap pag napamahal ka na..lalo't kaibigan mo pa..tsk tsk..minsan ka-text..minsan ka-chat..minsan nagkikita..in short minsang kwentuhan na minsan napapadalas...ano 'to gaano kadalas ang MINSAN?? We're friends..dyan ako nadadale eh..sa friendship..hindi naman ako kagandahan & madalas pumunta kung saan-saan..ayus na sa akin sharing of thoughts.. quotations..dreams..problems..chismis..at kung anek-anek pa..honestly, i can say he is one of my dearest friend..i can share any story or experience..ang gagawin nya lang..makinig..kahit paulit-ulit..Sa kanya ko nakita ang pinaka-sincere na matang tumitig sa akin..haayy..

a CONFESSION..hindi ko nakayanan what he had told me..akala ko makakaya kong tanggapin on that moment..saka ko lang na-realize hours after..wala talaga akong laban..i got hurt..really hurt (kasalanan ko naman eh)..naniwala ako sa pag-asa..pero ASA lang pala yun ;(

it's between THE FEELING or THE FRIENDSHIP..syempre ideally, friendship ang pipiliin ko..nandun pa rin yung concern, suporta & love for a friend..but when my heart will continue to whisper..."Kempets na yan!Itago mo na lang..hindi naman malalaman unless ma-excite ka na naman..." tapos follow your heart ang drama... emote-emote sa bus..sa mrt..sa jeep..s harap ng computer habang nakikinig ng MP3..ang dali ko talagang mahulog sa mga tripping ni kupido..kung hindi ako pinapana,

tinutulak naman ako..ano naman kaya ang susunod..babarilin na nya ako???

you know, THE SITUATION...It's really hard for me to let go..lalo't alam ko na ang DAPAT gawin & DAPATpiliin..pero hindi ko magawa..Sa choice na nagkakatalo.. Lumalabas na ang katangahan..well ganon talaga ako..

na-realize ko naman na TAMA lahat ng sinabi nya..it's a valid reason..& ayoko rin naman na mawala sya sa buhay ko..

kaya THE CHOICE..sa buong panahon na naramdaman ko ang ganitong feeling..hindi ko pinagsisihan na nagmahal ako & siya ang pinili ng puso ko..because it gave inspiration in my life..helped me get through a lot of emotions..& share to others my happy heart..i even asked God to guide me with this..i know it's a long process, needs a lot of time to heal the wounds of the crash..but i HAVE to go through this & it will pass..wala nga daw shortcuts..lalo na ang biglang liko..tumirik man ako.. may patuloy na magtutulak..Walk Away..Walk Away...Walk Away...

i know what is RIGHT..i will LET GO..

for our FRIENDSHIP......

"LETTING GO doesn't mean giving up..BUT rather accepting that there are things that cannot be.."