Followers

Sunday, August 14, 2011

LAST 2 mins....


2011-08-13..BaguioCity

“LAST 2 mins....LAST 2 mins...” Paalala ni Announcer...Tabla na naman ang iskor...FULL COURT PRESS...Buti na lang naitawid ng maayos...saka tumawag ng timeout...Nagsalita naman ang announcer...GAME RESET...Timeouts left..Fouls to give...Penalty pareho...Curious ang lahat...Paano matatapos ang game? Kung ang pagle-let go ay nasa huling 2 minuto na...Paano kaya ito matatapos?

1st Q: I’m still in love with you...I moved on but i never let go...Patuloy pa rin akong nakikipaglaro sa mga pakana ni Kupido...I keep on believing that you will accept my love (I don’t mind kung hindi mo ibalik)..PERO...you stand by your beliefs & being righteous..Kung ako, puso ang pinapairal ko..Ikaw naman utak ang pinagagalaw mo..

Tumahimik tayong dalawa...walang text..chat..or email..Siguro dahil na rin busy tayo sa mga kanya-kanyang responsibilidad. Pero nakalimutan natin na may responsibilidad pala tayo sa isa’t isa..OK lang..Ganon naman talaga eh...Kaya sa ‘yo ang PUNTOS...ikaw ang LAMANG...

2nd Q: Bilang IKAW ang lamang...iniba ko ang strategy...sa kabila ng patuloy na pagsuntok sa ‘kin ng SAKIT...Binaling ko ang atensyon sa ibang bagay..at dito ko naramdaman kung gaano ako kamahal ng Diyos..Nagbigay siya ng mga bagong kaibigan...taga-untog sa ulo kong sing tigas ng bato at magbabalik sa puso kong dinurog ng maling panahon at sitwasyon...

Dumating ako sa puntong...hindi na kita naaalala...hindi kita nireplayan nang batiin mo ako ng “happy birthday”...pero hindi ako nakaiwas nang i-chat mo ko sa YM...siguro dahil na rin malambot ang puso ko sa mga taong bahagi ng buhay ko...We had a long chat..It’s a record! Mahigit isang oras...For the first time, binahagi mo ang puso mo...I never expected it...Great relief for both of us..Especially YOU...Imagine, you tried so hard to dodge me! And nagawa mo infairness...Believing that the pains I’ve encountered will easily go away...

After the CHAT...HIGH na naman ako kasi nabunutan ako ng tinik...magaan ang resulta... nag-sound off ka pa nga na you’re staying in Manila for good pero paalis-alis ka pa rin...OK naman ako..Nag-status pa nga ako sa FB & sent you a copy of this (text message)
“Days...Months...have passed...The END of our MISERY is just around the corner...waiting for you to HOLD my HAND again for our lifetime journey together....FRIENDSHIP =)”
Bumalik tayo sa normal na buhay...Nasanay na rin ako na magpa-pop up ka lang sa screen ko...tapos huling message mo parati..TIME OUT! Nahinto nga ang communication...Ikaw pa rin ang LAMANG...

HALFTIME....

3rdQ: Tinanong ko ang sarili ko..Kelan kaya ako lalamang? January to June...madaming nangyari...nakapagtravel ako...Davao at HongKong...Salamat sa nunal ko sa paa...Sa Koreanovela na patuloy akong pinapakilig at dinadala sa kakaibang mundo ng pagmamahalan..Pati nga walang subtitle pinatulan ko na...Salamat sa Twitter at Facebook na sumbungan ko ng sama ng loob :)

Ikaw naman to the highest level ang trabaho...Infairness, I admired you with your work ethic...Idol nga kita on how you work :)

At habang ito ang mga ganap sa yugtong ito..Bigla ka na namang sumulpot...Sa pagsulpot mo iba na ang naramdaman ko..Oh oh..”nandyan ka na naman...tintutukso-tukso ang aking puso...” HEP! HEP! HEP!..baket ganon..nag-usap na kami ah?? Hmmm...Wala ‘to...Ayan nakakahabol na ko!

4th Q: Iba na ang tono...Umigting ang depensa ko...”Defense! Defense!” Sigaw ng isip ko...Inagresibo ko ang opensa...One last push, Graciah, going to the homestretch...I wrote a blunt short letter...”Stop communicating with me..Hindi lang ngayon..bukas...next week..next month or next year...” Yes? Gumaganyan na ko? Epekto ba ‘to ni City Hunter?

Ayoko nang bumalik pa uli naramdaman ko noon...sobra ang sakit...I don't want to hear another "SILENCE" from you kasi nakakabingi..Ayoko na rin iwanan ako uli sa ere para palampasin lang ung "feelings"..nakakapagod...Ayoko na ring iwasan ako kasi sinunod ko lang naman ang puso ko...nakakatrauma...Lastly (& THE most important)...I don't want to betray (again) a pure soul because of my selfishness...

Natulala ang depensa...Ki-nut ba kita sa gitna? Pasok! Lamang ako 2pts...Eto na ang momentum ko!

After two days...You replied! It was a shock for you...You apologized for the Nth time for giving me so much pain...I know how sincere you are pagdating sa paghingi ng tawad...Kung magkakaroon ka man ng award for Best Apologetic Friend...Ikaw ang mananalo! Landslide na GrandSlam pa! Mabilis na 2pts ika nga! TABLA na naman!

Sa huddle..sabi ni Coach..GUMAMIT ng ORAS...wag magmadali...Itama ang tono...

You asked to see for the very last time...”Thank you so much gift” is waiting for me...Now the BALL is in my hands again...THE last 2 minutes of letting go...How will it end? The old fashioned way or the modern type of saying GOODBYE...?