Followers

Wednesday, December 7, 2011

The DAY We Said GOODBYE

I left two questions at the end of my previous blog (LAST 2 MINS..) "How will it end? The old fashioned way or the modern type of saying GOODBYE...?"  

Let's see..hmm...

2011 "The Day We Said Goodbye"...After years of not seeing you, eto na si takdang araw..Kaba, takot, excitement..Ano na kaya ang itsura mo ngayon? What would be my first word, phrase or sentence to you? Ako ba ang unang papansin? Pinalano ko pa kung anong mga sasabihin ko sa 'yo..Sinulat ko nga sa utak ko..Pinaraktis kung paano ang..kalmadong "Hi o Hello?" pa-curious na "Anong balita o Kamusta?" pwede ring parang walang nangyaring "Uy! o Ano Na?" Ang hirap!? Daig ko pang nakikipag-eye ball sa mga nagcha-chat sa YM! Samantalang kaibigan naman kita..May pinagsamahan naman tayo..Haaaayyyyy...Iba talaga if you're saying goodbye to a friend na natutunan ko nang mahalin :(

I was waiting..Looked around..Checked my wrist watch from time to time kahit nagsabi ka na male-late bilang coding..Tumindi ang nerbyos ko..Gusto ko nang hawakan ang kamay ng relo para lang tumakbo ang oras..Yumuko ako sandali..Pag-angat ko I saw you..Pero hindi mo pa ko nakita..Sinundan kita ng tingin..Ikaw naman ang naghahanap sa akin..Until you finally saw me..&..automatic, a SMILE on my face! O di ba..automatic san ka pa? Parang kotse lang haha 

"Kanina ka pa?" tanong mo.."Hindi naman.." medyo natural  kong sagot without looking at you...Namputsa! Hindi umubra ang pinaraktis ko! Aarrggghhh Pero at least, hindi ko pinakita na kinakabahan ako hehe :p

The CONVERSATION...From your request to see me (for the last time), I replied..We're both in the middle of our work schedule..The first few minutes was so awkward for both of us..silence from both camps...hanggang sa sumusulpot na si "ahhhh..","ganon ba", at "ok"..Pag ikaw ang nagsasalita, i tried not to look at you...puro glances lang..Kung titingin man ako..iniiwas ko agad..Haaayyyy Mahina talaga ako tumitig nang mata sa mata..Pinagdiskitahan ko na lang si Carbonara..Hanggang sa..."Mabagal ka pa rin kumain.." napansin mo.. "Hindi ko nga alam kung bakit ang bagal kong kumain kapag kasama kita.." Banat ba yan, Neng? Tanong ng gago kong utak.. "Ganon ba..Cge lang..Baka kasi magutom ka nyan maya" sabay kamot ng  ulo yes? concerned lang hehe

Nagtanong ka na kung bakit ganon at anong nangyari...You asked me kung eto ba talaga ang gusto ko..Eto na si Discussion pero buti na lang hindi nya kasama si Argument so safe pa...Pinaliwanag mo ang differences nating dalawa...Nasa opposite sides tayo..dulo-dulo ba..PERO sabi sa Science, unlike poles attract..likes poles repel! Kaso hindi naman pala applicable sa ating dalawa..Chemistry lang tayo meron..AT hindi pwedeng mag-explore ng ibang branches :( 

While you were defending your case, I was listening to you..(again,without looking into your eyes..safety precautions as well)...I was so determined to end whatever we have..kasi for me, that's the best solution AT para matapos na..Imagine, my offer was "I will no longer bother you.." Wala nang mangungulit sa 'yo..Hindi na lalabas sa inbox mo..name ko..Ilang beses kong pinagisipan ang desisyon ko...

Until the final judgement came out...Honestly, I've never met a GUY na may laman ang sinasabi..someone who admitted his mistakes..did his best na hindi na maulit ang nangyari..& isang tao na ayaw i-give up ang FRIENDSHIP...Magkaiba lang tayo ng pananaw at style pero alam natin pareho what's BEST for both of us..WE both made sacrifices just to save our FRIENDSHIP..

I THANK YOU for not giving up on me..Kahit ako na ang paulit-ulit na naggi-give up sa 'yo.. 
I THANK YOU for everything...AND 
I THANK YOU for letting me know that you loved me...

HOW did we END..As we said goodbye, I asked you if you were ready...You said..."5 mins"..Then I realized, this is the longest 5 mins of my life (so far..)...I closed my eyes...Ikaw naman ang nagtanong.."Are WE Ready?" My eyes were still closed..but I felt my tears were starting to fall..then I said..YES...

A friend asked me what is the Modern Type of Saying Goodbye..Based on this experience, I can say you have to leave the past..mainly the situation itself..& not the person or people involved..It's a continuous process of communication, trusting & the most important, praying for each other :) The foundation of friendship will also play a big role in this kind of situation..I'm just blessed na SIYA ung involve. We are in a better situation now :)"

Sabi nga sa song ni Kenny Rankin..take note: hindi po siya pang-funeral hehe malungkot lang po ang kanta pero hindi..for me, what we've gone through nandito sa kantang 'to :)
 
"Its' not how long we held each other's hand
What matters is how we loved each other
It's not how far we traveled on our way
But what we found to say
It's not the spring we've seen
But all the shades of green

It's not how long I held you in my arms
What matters is how sweet the years together

Chorus:
It's not how many summertimes
we had to give to fall
The early morning smiles
We tearfully recall
What matters most is that we loved at all

Sunday, August 14, 2011

LAST 2 mins....


2011-08-13..BaguioCity

“LAST 2 mins....LAST 2 mins...” Paalala ni Announcer...Tabla na naman ang iskor...FULL COURT PRESS...Buti na lang naitawid ng maayos...saka tumawag ng timeout...Nagsalita naman ang announcer...GAME RESET...Timeouts left..Fouls to give...Penalty pareho...Curious ang lahat...Paano matatapos ang game? Kung ang pagle-let go ay nasa huling 2 minuto na...Paano kaya ito matatapos?

1st Q: I’m still in love with you...I moved on but i never let go...Patuloy pa rin akong nakikipaglaro sa mga pakana ni Kupido...I keep on believing that you will accept my love (I don’t mind kung hindi mo ibalik)..PERO...you stand by your beliefs & being righteous..Kung ako, puso ang pinapairal ko..Ikaw naman utak ang pinagagalaw mo..

Tumahimik tayong dalawa...walang text..chat..or email..Siguro dahil na rin busy tayo sa mga kanya-kanyang responsibilidad. Pero nakalimutan natin na may responsibilidad pala tayo sa isa’t isa..OK lang..Ganon naman talaga eh...Kaya sa ‘yo ang PUNTOS...ikaw ang LAMANG...

2nd Q: Bilang IKAW ang lamang...iniba ko ang strategy...sa kabila ng patuloy na pagsuntok sa ‘kin ng SAKIT...Binaling ko ang atensyon sa ibang bagay..at dito ko naramdaman kung gaano ako kamahal ng Diyos..Nagbigay siya ng mga bagong kaibigan...taga-untog sa ulo kong sing tigas ng bato at magbabalik sa puso kong dinurog ng maling panahon at sitwasyon...

Dumating ako sa puntong...hindi na kita naaalala...hindi kita nireplayan nang batiin mo ako ng “happy birthday”...pero hindi ako nakaiwas nang i-chat mo ko sa YM...siguro dahil na rin malambot ang puso ko sa mga taong bahagi ng buhay ko...We had a long chat..It’s a record! Mahigit isang oras...For the first time, binahagi mo ang puso mo...I never expected it...Great relief for both of us..Especially YOU...Imagine, you tried so hard to dodge me! And nagawa mo infairness...Believing that the pains I’ve encountered will easily go away...

After the CHAT...HIGH na naman ako kasi nabunutan ako ng tinik...magaan ang resulta... nag-sound off ka pa nga na you’re staying in Manila for good pero paalis-alis ka pa rin...OK naman ako..Nag-status pa nga ako sa FB & sent you a copy of this (text message)
“Days...Months...have passed...The END of our MISERY is just around the corner...waiting for you to HOLD my HAND again for our lifetime journey together....FRIENDSHIP =)”
Bumalik tayo sa normal na buhay...Nasanay na rin ako na magpa-pop up ka lang sa screen ko...tapos huling message mo parati..TIME OUT! Nahinto nga ang communication...Ikaw pa rin ang LAMANG...

HALFTIME....

3rdQ: Tinanong ko ang sarili ko..Kelan kaya ako lalamang? January to June...madaming nangyari...nakapagtravel ako...Davao at HongKong...Salamat sa nunal ko sa paa...Sa Koreanovela na patuloy akong pinapakilig at dinadala sa kakaibang mundo ng pagmamahalan..Pati nga walang subtitle pinatulan ko na...Salamat sa Twitter at Facebook na sumbungan ko ng sama ng loob :)

Ikaw naman to the highest level ang trabaho...Infairness, I admired you with your work ethic...Idol nga kita on how you work :)

At habang ito ang mga ganap sa yugtong ito..Bigla ka na namang sumulpot...Sa pagsulpot mo iba na ang naramdaman ko..Oh oh..”nandyan ka na naman...tintutukso-tukso ang aking puso...” HEP! HEP! HEP!..baket ganon..nag-usap na kami ah?? Hmmm...Wala ‘to...Ayan nakakahabol na ko!

4th Q: Iba na ang tono...Umigting ang depensa ko...”Defense! Defense!” Sigaw ng isip ko...Inagresibo ko ang opensa...One last push, Graciah, going to the homestretch...I wrote a blunt short letter...”Stop communicating with me..Hindi lang ngayon..bukas...next week..next month or next year...” Yes? Gumaganyan na ko? Epekto ba ‘to ni City Hunter?

Ayoko nang bumalik pa uli naramdaman ko noon...sobra ang sakit...I don't want to hear another "SILENCE" from you kasi nakakabingi..Ayoko na rin iwanan ako uli sa ere para palampasin lang ung "feelings"..nakakapagod...Ayoko na ring iwasan ako kasi sinunod ko lang naman ang puso ko...nakakatrauma...Lastly (& THE most important)...I don't want to betray (again) a pure soul because of my selfishness...

Natulala ang depensa...Ki-nut ba kita sa gitna? Pasok! Lamang ako 2pts...Eto na ang momentum ko!

After two days...You replied! It was a shock for you...You apologized for the Nth time for giving me so much pain...I know how sincere you are pagdating sa paghingi ng tawad...Kung magkakaroon ka man ng award for Best Apologetic Friend...Ikaw ang mananalo! Landslide na GrandSlam pa! Mabilis na 2pts ika nga! TABLA na naman!

Sa huddle..sabi ni Coach..GUMAMIT ng ORAS...wag magmadali...Itama ang tono...

You asked to see for the very last time...”Thank you so much gift” is waiting for me...Now the BALL is in my hands again...THE last 2 minutes of letting go...How will it end? The old fashioned way or the modern type of saying GOODBYE...?